Miyerkules, Pebrero 23, 2011

Talambuhay Ni Luisito Calabia

Ang Buhay Ng Isang Luisito Calabia
Ako bilang isang proud na dizonians


Ako si Luisito R. Calabia isang makulit at mabait. Isinilang ako nung November 29, 1990 sa lung sod ng San Pablo tanghaling tapat daw kaya daw hindi ko naman kasi tanda eh at ang sabe nila nung bata pa ako ang puti puti ko daw at ito pa ang sabi nila na nakakatampo sana daw hindi daw sana ako lumaki kasi sakit lang ako ng ulo nila. Oo nga pala 4 kaming mag kakapatid ako ang bunso.

Eto na natatandaan ko 4-5 years old ako sinasama na ako ng aking ina sa kanyang trabaho at kaya ako isinasama kasi walang magbabantay sakin sa bahay kasi meron din trabaho ang aking ama . Kaya yun sinasama ako ni inay sa central school duon sya nagtatrabaho sa district office. Habang napasok ang kapatid nuon.

Nag simula na akong pag aralin nuon ng aking mga magulang. Alam nyo ba kung saan ako pinapasok ng aking mga magulangduon sa ilalim ng grandstand sa day care center duon para daw malapit sa pinagtatrabahuhan ng aking ina. Eto ang nakakahiyang sabihin tuwing ihahatid ako ng aking ina sa umaga eh iiyak ako sa tuwi na lang ako iiwan duon sa classroom at sasabihin ko naman inay sasama ako ayokong pumasok. Pero sasabihin ni mama beltran tahan na lui mag sisimula na tayong mag klase at ako naman ay tatahan na. Hanggang sa matapos ang aking pagpasok sa day-care sa liceo pa kami gumaraduate.

Pasukan na ulit at sa central naman ako papasok para malapit ulit kay inay at kay ninang Elsa Escondo pa ako ipinasok ng aking ina para daw…. Para daw ewan kung bakit dun kay ninang pero pag nasa classroom kami hindi ninang ang tawag hehehehehe. At may pagkamasungit pala ang aking ninang sa tuwing hapon pag hindi tapos sa sinusulat hindi ka papauwiin dapat tapusin mo ang lecture para makauwi ka eh dati ang natitira ang aking kuya Alvin kasi nga huli lagi natatapos.. Hanggang sa naging grade 2 na ako.
Eto na at grade 2 na ako kay mama abayari naman. Uhm mabait naman s imam pero singgahen ata pag minsan kasi masungit.. Peace mam.

Grade 3 na ako kay mam gamaro naman ako napapunta maganda at dalaga pa so mam nuon sabi ko nga dati bagay sila ng kuya ko haha. Hanggang sa nakulet na akoat ewan ko ba kung crush na yung nararamdaman ko nuon hehe advance noh. Pero aral aral hanggang sa naging grade 4 na ako.

Grade 4 na nga simula ng mag ballpen at kay mam federizo na ako napapunta at sobrang bait n imam. Hanggang minsan napaaway na kasi makulit na nga at asar. Pag napapagilitan si inay at napapahiya pero tuloy pa din ako. Pero nag grade 5 naman ako.

Pasukan nanaman pero grade 5 na ako kay sir escondo na akala ko ay bading na mali pala aking akala na nakapag-asawa pa. dumating ung tym na nag karoon ako ng DENGUE at ilang weeks akong hindi nakapasok nahospital kasi ako pero salamat kay lord at di niya ako kinuha ng maaga tnx lord. Hanggang nakapasa na ako ulit. Grade 6 na ako sa pasukan yes graduating.

Grade 6 ako kay mam de torres lord ang taray nito namamalo at nanghuhubo ito pero sa awa ng diyos di ako nahubuan napalo lang sa palad ouch!!!! Graduation day iyakan ang mga girls kong classmates habang nakanta ng I will be here ni garry v. nakapag handa naman kami kahit kaunti. Yes First year na ako sa pasukan…….
Eto na First day of school gusto kong umiyak kasi kala ko sa provate ako papasukin ng aking ina. Pero sa public pala pero na appreciate ko ok naman pala kahit sa public kasi yun ngang iba hindi nakakapag aral ehh ako pa kaya yun awa ng diyos ang bait ng adviser ko parehas naming first tym sa school ng Annex 5.
2nd year ako at si Mrs. Bidula ang aking adviser hmmmmm… mejo masungit ehh.. Hanggang sa naging Dizon High na ang dating Annex 5. Sa Kasamaang palad napatigil ako.. Kasi Family prob.
Hanggang pumasok uli ako at nakapasa na.

3rd year na ako umulit pasok pasok hanggang sa napatigil ulit ako dahil sa isang family prob nanaman.
Pasukan na ulit enroll ako hanggang nag ka girlfriend ako sa School syempre pa humble ng kaunti at pasikat.. At napasali ng nga ako sa Fraternity hanggang sa parang tinatamad na akong pumasok syempre napapabarkada na ehh hanggang sa malaman na ng aking mhga kapatid at magulang sa awa ng diyos natanggap nila na nakasali nga ako sa isang Fraternity. Hanggang sa dumating ang time na na istroke ang aking ina ko noong sept.2 2008.Hanggang Oct. 2 2008 nakalabas nga ang aking ina pero parang iba na ang kinikilos ng aking ina hanggang Oct 19 2008 sa hindi inaasahan na istroke uli ang aking ina hanggang sa hindi na siya nakabangon at makausap at Nov 1 2008 sama sama kami sa bahay eh kinabukasan Nov 2 2008 ng gabi 8:00 pm kinuha na ni lord ang aking ina nakakalungkot man pero kailangan tanggapin tapos Nov 29, 2008 birthday ko at unang birthday ko na wala ang aking ina ang lungkot ko talaga ng araw na iyon. At Dec 25, 2008 una naming pasko na wala ang aking ina at un na ang pinakamalungkot naming pasko at bagong taon.

2009 school day pasok ulit ako pasok pasok!! Hanggang sa nakilala ko si kenika valerio hanggang sa nahulog ang loob ko sa kanya at naging kame naman.Pero parang di kami sa isat isa talagang baka makahanap kami ng para samin talaga. Hanggang sa nakapasa kami ng 3rd year at sa pasukan 4th year na kami yehey bakasyon na.

Bakasyon nanaman umpisa ng liga sa amin kasali kami at mga barakda ko at ang saya saya naming pag magkakalaro kami at sumali pa kami sa liga ng San Gregorio at himala hindi kami natalo at kami ang nag champion at hindi inaasahan naging metical 5 ako at nagkaroon pa kami ng medal. Yahoo!!! Yehey !!! Champion kami!!!!
Ang aking inspirasyon
Fieldtrip!!!!


Kalokohan namin....
Pasukan nanaman parang tinatamad pa ako pumasok kasi nasanay ako sa bakasyon. Pero kaibigan pumasok kasi Graduating ehh. Sa aking pag pasok madami pa akong nakilalang tunay na kaibigan at sila ang aking mga kasama sa araw araw at pag uwian na sabay sabay kami. Hanggang sa may pumasok sa buhay ko at siya ang naging inspirasyon ko sa araw araw.
ang aking tropa ang "TROPANG BOOGIE"


Sana magtuloy tuloy na ang masayang oras at araw ko habang buhay pa ako at sana din matupad ang aking mga pangarap panu yan hanggang ditto na lang kasi di ko naman paede ikwento ay di pa pa nangyayari sa aking buhay ingatz palagi keep smile every day 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento