Huwebes, Pebrero 24, 2011

Talambuhay ni Rubelyn Alcantara

Noong bata pa ako!!!
     Noong bata pa lamang ako sabi nang aking mga magulang ay sobra ko daw ligalig.Iyak daw ako ng iyak at ang sabi pa nila,ay mas sakitin daw ako noong dumating na ang aking kaarawan noong ika-7 ng disyembre 1992.Ipinaghanda ako ng aking mga magulang ng maraming handa sapagkat unang taon ko ito.
     Tuwang tuwa ang aking mga magulang kasi isa daw akong makulit at masayahing bata,ako ay malambing din sa mga kapatid ko at iba pang mga kamag anak.Habang lumilipas ang panahon ay nagiging kamuka daw ako ng aking lola.Ako ay sobrang daldal noon.Sa paglipas ng taon ay napansin ng aking magulang na magaling daw akong kumanta at sumayaw.Sa edad na 5 taon ay mahilig na akong magbasa at magsulat.
      Gusto ko na din pumasok sa paaralan at ng dumating na ang taon ng pasukan.Sa pagpasok ko sa kinder,tuwang tuwa ako sapagkat gustong gusto ku nang maranasan ang buhay ng pagiging istudyante,ako ay inihatid ng aking ina sa paaralan at sinusundo din pag awasan na.Masaya ang aking nararamdaman sapagkat nagkakaroon ako dun ng maraming kaibigan.
      Habang tumatagal ang pagpasok sa kinder ay napapansin ng aking mga guro at magulang na humuhusay na ko sa mga aralin namin.Mas lalo akong naging masaya pagsapit ng aking pagtatapos ng kinder.Pero nalaman ko nalang na may sabit pala ako dito.
     Kaya nalaman ko na mas lalo ko pa palang dapat pagsumikapan ang aking pag aaral.Inihanda ko na ang aking sarili sa pagtungtong ko ng elementarya,sa unang baytang ko sa elementarya ay lagi parin akong hinahatid ng aking ina sa pagpasok dahil ayaw ko kasing iniiwanan ako ng aking ina dahil pag umalis siya ay umiiyak ako.Pero isang araw ay hindi ko na naipagpatuloy ang aking pag aaral siguro dahil na rin yun sa lagi kong pagf iyak sa eskwelahan.
       Dalawang taon din ako nung tumigil sa pag aaral,pero nung pagpasok kong muli ay hindi na muli akong nagpapahatid sa aking ina kahit sa pagkain ay hindi na ko pumapayag na ihatid nya ako kasi napag alaman ko na nun na kaya ko naman palang mag isa.
       At ngayung nasa ikalawang antas na ko ng elementarya,mas lumawak ang aking kaalaman,dito din ako natutong makipag text sa cellphone,dito ako nagkaroon ng mga kaibigan,pero dahil din sa cellphone una akong nagkaroon ng paghanga sa isang tao na kahit na ako ay isang babae ay pumayag siyang makipagkaibigan sakin.
       Marami na akong nakilala at nakarelasyon,minahal ko silang lahat at ginawa ko narin ang best ko para magtagal kami pero taliwas ang lahat na yun sa mga nang yari sakin.Para kasing sa isang iglap lang ay nawala silang lahat sakin.Dahil sa hindi pa gaanong matured ang isip ko noong mga panahon na yun ay hindi ko pa nararamdaman kung paano ang masaktan.
       Hanggang sa makilala ko ang isang babae na nagpatibok sa aking puso at dito ko lang naramdaman ang maging masaya,tapat at kung paanong magmahal ng totoo.
JS namin nung 3rd year
       Tinutulungan niya ako sa aking gawain sa paaralan tulad ng takdang aralin at proyekto.Nasa tabi ko din siya sa oras na may mga problema ako,sa kabila ng lahat ng aking ginawang pagpapasakit at pag papa asaay andyan parin siya at hindi sumusuko para sa akin,at dahil din sa kanya nagkaroon ako ng inspirasyon upang lalo ko pang pagsikapan at pagbutihin ang aking pag aaral.Hindi ako lumiliban sa klase,lagi akong sumasali sa activity namin sa school.
        Marami din akong kaibigan,lagi ko silang kasama,ngayung nsa 3rd year nako ay sumama ako sa js namin.Ginanap ito sa central gym nung ika-13 ng pebrero.
        Noong gabing yun ay excited at masaya akong umalis ng aming bahay hanggang sa nakarating ako sa pag gaganapan ng aming js,at nang papasok na ko ay bigla kong naalala na nalimutan ko pala sa amin ang aking ticket kung kayat hindi kaagad ako nakapasok.Hanggang sa napagalitan pa ko ng aking ina dahil naiwan ko ang aking ticket.
        Sa kabila ng lahat ng nangyari sakin ay nasuklian naman ng kasiyahan ang kalungkutan ko.Masaya ako kasama ang aking mga kaklase,kahit na inaantok na ko ay pilit ko pa ding iminumulat ang aking mga mata dahil sa sobra akong nag eenjoy sa bawat pangyayaring nasisilayan ko.
        Sa paglipas ng oras,hindi ko na namalayan na matatapos na pala ang aming kasiyahang ginaganap.Feeling ko parang panaginip lang ang nangyari,akahit na bitin ako ay hindi na masama kasi kahit papaano ang gabing yun ang nagpasaya sakin.
        Noong pauwi na ako ay sumakay ako ng jeep kasabay ang aking kaklase,hindi ko na napansin na doble pala ang bayad ko sa drayber dahil sa sobrang kaantukan.Pagbaba ko ng jeep saka ko lang binilang ang aking pera.
nung kami ay nag fieldtrip
picture taking sa aming bahay
        At ngayung 4th year nako ay lalo ko pang pinag sikapan ang aking pag aaral.kasama ng aking mga barkada.Masaya ako ngayung 4th year kasi nalalapit na ang akin pagtatapos,kahit na marami kaming requirements ay akin pa ding pinagsisikapang matapos ang lahat ng ito,dahil na din sa kagustuhan kongmakaakyat ng entablado at para makuha ko ang aking diploma na siya lamang ang maiaalay ko sa aking mga magulang bilang sukli sa kanilang pagsusumikapupang ako ay mapagtapos.
Picture taking agian ahehehe
        Binabalak ko ding kunin ang ninanais kong kurso sa kulehiyo.At ngayung hindi pa sumasapit ang araw na aking pagtatapos ay nilulubos ko na ang kasiyahan ngayung buhay highschool ako.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento