Martes, Pebrero 22, 2011

Talambuhay Ni Janelle Larga

It's me
        Sa mga nakakabasa ng aking KWENTO, nais ko muna ipakilala ang aking sarili. Ako si Janelle Damalerio Larga, isang masayahin at palabirong tao, pero maraming nagsasabing bangisen raw ako at masungit. Upang makilala  nyo ko nang lubusan, nais ko ibahagi ang kwento ng aking buhay..

Ika-8 ng Agosto ako ipinanganak ng ako ng aking mahal na sa Jose Fabella Hospital sa my Central Market sa Manila. Madaling araw iyon at iyon ang unang pagkakataong nasilayan ko ang mundo. Una akong anak ng aking ama't ina, unang minahal at lahatng kanilang atensyon ay nasa akin. Masasabi ko na ako na ang pinaka masuwerteng nilalangsa mundo noong panahong iyon, at kahit naman hanggang ngayon..

     Mag-iisang buwan ako noong ako'y  bininyagan sa simbahan ng Quiapo, Maynila, naalala ko nung kinukwento sa akin ni Mama na marami daw silang inimbita ni Papa upang magninong at magninang sa aking binyag. Pero dalawa lang sa kanila ang nakita ko nang lumaki ako sa edad kong ito. Ang iba ko kasing mga ninong at ninang ay nasa malalayong lugar na. Sa Maynila pa kami dati nakatira. Malapit lamang kami sa may paaralan ng University of Sto.Tomas, halos doon na ako ng nag-isang taong gulang hanggang sa lumipat na kami dito sa San Pablo, sa lugar ng aking ama, sa Brgy. Sta Filomena, dito na kami namalagi at dito na rin nagsimula lahat ng mga kabanata sa buhay ko habang ako ay lumalaki na.

      Sa tinitirahan naming bahay ako natutong gumapang at  magsalita. Sabi ni Mama noong bata pa raw ako ay kalbo pa ako na napakataba, ipinaglihi pa nga daw nya ako sa buko kaya mapapansin sa akin ang pagiging maputi ko. Sobrang kulit at madaldal pa ako noon,kahit hanggang ngayon naman!, kaya naman raw hindi ko maiwasan ang madisgrasya, nauuntog kung saan-saan, nadadapa at kung anu-ano pang kapalpakan ang nagagawa ko, wal pa naman akong muwang noon kaya wala na lang siguro akong ginawa kundi umiyak, matulog at humingi ng gatas kay Mama.

Habang lumalaki na ako, natatandaan ko na kahit paano ang mga mukha ng aking mga m mahal sa buhay, mahilig kasi nila akong laruin, lagi ko pa nga raw hanap noon si nanay eh! Napakalapit ko talaga sa kanya.
Ang aking pamilya !!!!

        Heto na! At magsisimula na akong pumasok sa paaralan. Apat na taong gulang ako noong magsimula na akong pumasok ng nursery sa Angel's Kiddie Learning Center sa aming barangay. Lagi pa nga akong hatid ng nanay ko papuntang school, kasi natatakot pa ako noon, hanggang sa nagtagal naging masaya naman ang bawat araw ko ng pagpasok ko. Nagkaroon ako ng maraming kalaro at kakilala na hanggang ngayon ay natatandaan ko pa. Naalala ko pa noon lagi ako nilalaban sa Quiz bee, Spelling bee at mga iba pang contest. Hanggang sa nag Junior at Prep naging second honor pa ako sa amin noong mga panahong iyon.

       Masaya at malaya akong naglalaro sa amin, noong limang taong gulang ako. Lagi kong kalaro ang mga pinsan ko sa likod-bahay, naghahabulan, nagbabahay-bahayan at kung anu-ano maari naming laruin.Lagi pa nga  akong napapagalitan ni nanay kasi lagi kong hakot ang mga laruan ko sa labas at ipagpapahanga ko sa aking mga pinsan. Bukod sa laruan naggagawa din kami ng mga bula na gawa sa dinikdik na gumamela, iniihaw pa nga namin yung mga sili at kunwari ay aming pagkain at mga pinaghalong lupa. Kahit katanghaliang tapat ay hapit pa rin ako sa paglalaro, halos uuwi na lang ako sa amin pag tinawag na ako ni mama pag kakain na at maliligo na ko at pagkatapos noon ay tutulog na ako. Pag hapon naman minsan ay ayaw  na akong palabasin kasi malamok na daw at baka manuno pati ako. Tanda ko pa noon nakatingin lang ako noon sa bintana namin pinapanuod ko ang aking mga pinsan na naglalaro sa labas ng aming bahay at tinatawag pa nila ako na lumabas ako at sumali sa kanila. Sa pagkaiingit ko sa kanila, pinipilit ko pa ang nanay ko na payagan akong lumabas, e ayaw namang pumayag kaya tuloy napapalo ako. Mahilig din kaming pumunta sa mga kakahuyan at nanghuhuli kami ng mga pinsan ko ng gagamba, nagtatakutan pa nga kami na may aswang doon at magsisismula na kaming magtakbuhan. Dahil doon napigtal napigtal pa yung aking tsinelas ko at muntik pang maiwan. Iyak ng iyak ako noon dahil sa sobrang takot. Tinatawag ko noon si nanay!!!! Hahahahah!!!

       Pag naalala ko iyon ngayon, natatawa nalang ako sa mga pinag-gagagawa ko noong bata pa ako. Naiisip ko rin pag minsan ang sarap bumalik sa pagkabata, walang pinoproblema, wala kang kailangang gawin kung hindi maglaro ng maglaro at kumain!

       Pasukan na naman ulit! Mag-aaral na ulit ako bilang Grade I sa Sta. Filomena Elem. Sch. Maaga akong nag Grade I sa edad na anim na taong gulang. Naging advance kasi ako kaya nakatuntong agad ako sa Grade I. Hinahatid pa rin ako ni nanay, syempre masaya parin, kasi marami na naman akong bagong nakilala. Nagpatuloy parin ako sa pagpasok hanggang sa unti-unti kong naabot ang Grade Six kasama parin ang mga kaklase ko, nagkaroon ako ng mga matatalik na kaibigan. Minsan hindi rin maiiwasan ang tampuhan sa isat-isa at pagkakaroon ng alitan. Pero sa bandang huli nagkakabati rin agad kami. Naisip ko rin na mahalaga rin ang magpakumbaba at magpatawad sa mga bagay-bagay at umintindi sa nararamdaman ng iba.

     At sa wakas!! Narating ko na ang finish line!! Natapos ko na ang elementarya kasama ang mga taong nakasama ko sa loob ng anim na taong walang humpay ang pag-aaral, asaran at kulitan. Sobra ang tuwa ko nang makagraduate ako at kahit paano ay may naibigay akong karangalan sa aking mga magulang. Syempre mawawala ba naman ang lungkot sa aming lahat na mgakakaklase, magkakahiwa-hiwalay na kami. Pero ganun talaga, kasama kasi iyong moment na iyon sa script ng aking kwento..

       Nagdaan ang bakasyon, pahinga na ulit, sarap sa pakiramdam kasi wala ng klase. Pahiga-higa nalang ako, punta sa bahay ng aking mga pinsan at kumain nalang palagi. Pero habang lumilipas ang mga araw ay palapit na ng palapit ang pasukan sa highschool. Medyo kinakabahan ako kasi panibagong mundo ulit ang papasukin ko. Hay aral na naman!!! Hanggang sa heto na at nakapag enroll ako bilang 1st year highschool sa MSC Institute of Technology. Laking tuwa ko kasi nagkaroon ako ng scholar doon na dalawang taon kong naalagaan at sa private ako nakapasok..  Naaalala ko pa nga noon ay kabado pa ako noong unang araw ng klase namin, hindi rin nagtagal nagkaroon ulit ako ng panibagong mga kaibigan na masasabi kong sila na talaga ang mga tunay at nag-iisang kaibigan pra sa akin.

       Lahat ng mga bagay ay may limitasyon. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay laging swerte ka at walang mga dapat kang ipag-alinlangan. Minsan dumating sa buhay ko ang isang balakid na nagpabago sa buhay ko. Hindi sa sinisisi ko ang mga kaibigan ko pero alam kong nasasa-akin rin iyon. Nadala ako sa pahamak, natutong magrebelde at naging manhid sa mahahalagang bagay. Malaking pagkakamali ko na napabayaan ko ang aking pag-aaral, nawalan ako ng scholar at naging palasagot ako sa aking mga magulang. Lagi akong ginagabi sa pag-uwi at natuto akong magsinungaling. Pag ako ay may problema ay dinadaan ko sa pag-iinom. Hanggang sa dumating ang araw na kailangan ko na talagang magpaalam sa aking paaralan at mga kaklase dahil sa isang komplikadong pangyayari.
Dati kong classmates bago ako lumipat ng Dizon High

      Dumating ang araw na lumipat ako sa paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Mem. Nat. Highschool. Dahil sa nangyaring iyon nagsisisi ako at napagisip-isip ko na kung pwede ko lang ibalik ang lahat-lahat ng nangyari di sana naging maayos parin ang lahat para sa akin. Ngayong nasa Dizon ako hirap akong makapag-adjust dahil sa wala pa akong masyadong kakilala. Hindi din nagtagal madami na din akong kaibigan. Noon ko lang napagisip-isip na masarap pala mag-aral."Sayang at ngayon ko lang naisip". Pero hindi ibig sabihin noon ay suko na agad ako, nagsisimula pa lang ulit ako. Dahil doon magiging inspirasyon sa akin ang mga naging kamalian ko. Isang malaking leksyon para sa akin ito at magsisimula na ulit ako ng panibagong adventure sa aking buhay..

O sya sya!! masyado ng mahaba ang naibahagi ko sa inyo.. sana natuwa kayo sa aking mahabang kwento at salamat!!!!!!!!!!
Js Promnite Sa Dizon High
Waaaaahh Stolen shot ahahaha

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento