Lunes, Pebrero 21, 2011

Talambuhay Ni Frank Campos Jr.


Moments That Ive Never Forget
By:Boy Iyakin!! :'(
Nung ako ay bagong silang pa lamang
        Ako si Frank R. Campos Jr na isinilang sa Colago Ave. San Pablo City Laguna lumaki ako sa piling ng aking pinaka mamahal na lola dahil ang aking ina ay nag tatrabaho sa Abroad at aking ama ay may iba ng pamilya hindi ko sya nksama sa buong buhay ko. Lumaki aq sa Brgy. San Juan at npatira kami duon ng ng 6 na taon duon ako nag kaisip duon din sa lugar nay un ako natutong makisalamuha sa mga tao yung makipaglaro sa mga bata kahit ayw ng lola ko dahil iniingatn nya ako at baka mapano ako. Duon din sa lugar na yun tumigas ang ulo ko dahil minsan hindi ako nakikinig sa aking lola kahit ako ay ginugulpi niya ay wala akong tigil maglakwatsya sa labas n gaming bahay.
Fieldtrip nuong grade 1 ng Liceo De San pablo
                Isang araw nung ako ay grade 3 ay biglaan nawalan ng pasok o half day hindi ko alam kung bakit umuwi ako mag isa sa amin at kami ng lola ko ay nagkasalisi kasama ng lola ko ang ate kong pinsan syempre nag alala sila dahil pag dating nila sa school wala na ako at pag kauwi nila nakita ako ng lola ko at nkatanggap lang naman ako ng garuti mula sa kanya halos mag makaawa ako sa aking ate dahil alam ko na ang mangyayari sakin pero pag katapos ako mapalo ng lola ko nakita ko ung mali ko at alam ko din ang naging dahilan ng lola ko siya ay nag alala lang sakin nuon kaya kinausap ko ang sarili ko na dapat di ko gawin yun at ayun ang nagging moral lesson sa akin. Nung bata ako,ako yung taong lumaki sa gulpi ng lola ko at naransan ko din ang isilid sa sako hirap na hirap ako nun pero wala naman akong magawa kung hindi umiyak na lng ng umiyak kaya ako isinilid ng lola ko dahil gusto kong mangapit bahay hindi nya ako pinayagan nagdabog ako sa harap niya at yun pinagtulungan ako ng lola ko at ate para lng maisilid sa sako.
Christmas day 2000 in Brgy. San Juan S.P.C
                Tuwing mag papasko ang aming  buong pamilya ay nagkakasama at lagi kong hinahantay ang mga papasko sakin ng akong mga tiyo at tiya. Masaya kami lalo na at nakikita ko ang mga pinsan kong malalayo ang tirahan kahit minsan wala ang aking ina pag pasko, pero Masaya pa din dahil nakukumpleto kami at nakikita kong Masaya ang aking lola.
                Bakasyon ng grade 5 ako nag pa circumsize or “tuli” hirap na hirap ako dahil hindi ko nagawa o magawa yung ginagwa ko dati tulad ng paglalaro ng basketball at ang mag gala. Sa panahon na iyon dun ko naranasan ang parang itorture dahil hirap na nga ako ehh lagi pa akong hinaharot ng pinsan ko at hindi maiwasan ang madali nya halos mapasigaw ang sa hapdi at sakit. Kaya sabi ko sa kanaya”Wag kang magpapakita sakin at pag iakw tinulian gaganti ako hehehehe “
Class Picture Of grade 5: Ako ung kalbo
                Sa grade 5 ko din natutunan yung sabihin na natin na yung mainlove ng sobra sobra yung bang halos hindi kumpleto araw mo pag hindi sya pumapsok t naranasan ko din ang umiyak dahil bukod sa na mababaw ang luha ko eh iyakin din ako at maramadamin. Alaga nila akong asarin na iyakin at lola’s boy dahil madalas ako mag sumbong nuon, at lagi ako umiiyak dahil pag nakikita ko ung kaklase ko na crush ko na may kasama o kausap na iba eh nag seselos ako.
                Dala-dala ko hanggang grade 6 ung crush na yun hanggang malaman ng kanyang ina na crush ko anak nya at sinabing maaga pa at dadating daw kami sa tamang panahon. Sa panahon din na iyon natutunan ko ang mapasama sa gulo at away dahil da mga kaklase ko at dun ko din naranasan ang umuwi ng  gabi dahil a parusang natanggap ko mula sa guro ko. Natutunan ko nun ang sumunod at wag maging pasayaw dahil maaring sa katigasan ng ulo ko ako mapahamak.
                March ng year 2007 ako naka graduate ng Elemantarya. At nakapiling ko din sa taon na yun ang aking  ina Masaya ako nun dahil nakasama ko ang ina ko at nagkaroon kami ng pagkakataon maging Masaya. Sa taon na un nakuha ko ang una kong cellphone hindi sya kagandahan pero meaningful sakin dahil sa madame ako naranasan ko at dahil sa cellphone na yun dun ako una nagkaroon ng relasyon ngunit patago lamang dahil kabilin bilinan ng lola ko na huwag muna ako mag relasyon ngunit sinuway ko sya .
                Sa San Pablo City National High School ako nag first year highschool . Madaming magandang bagay akong natutunan nuon syempre hindi mawawalan ng kalokohan tulad ng pag ka-cutting at mag computer. Hindi ko din maitatanggi na nagkaroon ako ng girlfriend sa school na yun maraming memories ako sa school nay un lalo na sa mga kaklase ko hindi ko sila makakalimutan ung saya at samahan naming doon.
                2nd year ako ng lumipat ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School o mas kilala sa “Dizon High” ditto ako lumipat dahil malapit lamang sa amin bahay. Unang araw ko sa school na yun wla akong kilala lagi akong mag isa pero hindi rin naman naglaon ay nagkaroon ako ng mga kaibigan nadun yung kulitan. Sa taong din nay un ako hindi msyado ng computer kasi halos lahat ng mga kaklase ko ay hindi mahilig mag computer kaya masasabi ko maganda ang naidulot ng paigigng kaklase ko sila.
(JS) Class Picture 3rd year
                3rd year ako at sa Dizon High pa din ako nag-aral dito ulit ako naadik mag computer at dito din sa taon na ito ako nagkaroon ng mga girlfriends pero hindi naman tumatagal kaya siguro yung sakit sa computer ko binuhos pero simula nung ako ay lumipat sa dizon may isang babae nkapag patibok ng puso pero hindi ko siya malipitan. 3rd year din ako nag karoon ng hulog at yun ay math Sinummer  ko ito at naipasa isa lang ang natutunan ko nuon ay yun ay pumasok ng maaga J
Official 4-I Badge
Me And My Love one <3
                Yes!!!! 4th year na ako nandito na yung “turning point” ika nga dito dapat mag sipag at lalo ako mag pursige dahil mkakatapos na ako at mayroon na ako mai pagmamalaki pero syempre may lungkot. Dahil hindi ko na kasama yung mga barkada ko dati. Iba’t-Ibang tao ang nagging kaklase o iba’t-ibang ugali nila pero Masaya at lagging maasahan sa lahat ng oras at masasabi kong proud ako na ako ay isang 4-INTERNATIONALS! Dito din sa taon na to nakilala ko ung nakapag patibok ng puso ko yung nung lumipat ako sa dizon yung babaing nakapag patibok ng puso ko siguro hindi na importante to pero Masaya ako at  nagging kame hanggang ngayon. Hindi natin masasabi na kami na nga pero mahal na mahal ko siya. Sana makagraduate ako at pag nangyari yun  sobrang saya ko at lahat ng pinaghirapan ko ay nag bunga.

Salamat sa mga nagbasa 
Frank Campos Jr..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento