Huwebes, Pebrero 24, 2011

Talambuhay Ni Jamel Lopez

Nung ako ay isnilang

Ako si Jamel Lopez isang simpleng mag –aaral , ipinanganak ako noong ika-2 ng nobyembre taong 1994 ako ay labing-anim na taong gulang. Na nakatira ako sa brgy. San Ignacio,lunsod ng sanpablo sa probinsya ng laguna. Ipinanganak ako sa city hospital na isang ospital sa lunsod ng san pablo.

Nung akoy bata pa makulet ako at pasaway sabi nang mga magulang ko suwail daw akong bata at palagi nila akong  puinapalo. Pero kahit na ganun Masaya ako dahil alam kong mahal ako nang aking mga magulang.
Ako nung ako ay paslit pa lamang

Ako ay nag aral din sa central school paaralan sa lunsod nang san Pablo. Simula kinder garden ay doon na ako nag aral pag awas at pag pasok ko noon ay palagi akong sinusundo at hinahatid nang aking mga magulang. Dahil doon nakita kong gano ako kaimportante sa magulang ko. Doon din ako nang aral nang elementarya mula grade 1 hangang grade 6. Nang grade 6 na ako nag hahanda na ako sa buhay high school  at marami na din akong nalaman sa mundo na para pag dating ko sa high school ay hindi na ako mahirapan  mag  aral.

Ang aking mga magulang ay sina ginoong jacinto A Lopez at ginang Medelene B. Lopez ang aking ama ay isinilang noong Ika-26 ng hulyo taong 1963 siya ay apatnaput pitong taong gulang na. Ang kanyang trabaho ay ang isang pagiging isang welder. Ang aking ina ay isinilang noong ika-11 ng nobyembre taong 1963.
Ang aking kapatid na si MEdjel Lopez

Si medjel B.lopez ang aking kapatid. Siya ay babae pinanganak siya nung september 23 taong 1995. Siya ay mahilig mag aral. Tulad na lang po ngaun na nasa science coricolum siya. Nag aaway kami nang kapatid kung ito araw araw pero hind naman gaano matindi. Pero sa kabila nun mahal ko tong kapatid kong ito.

Ako ay nag aral din sa central school paaralan sa lunsod nang san Pablo. Simula kinder garden ay doon na ako nag aral pag awas at pag pasok ko noon ay palagi akong sinusundo at hinahatid nang aking mga magulang. Dahil doon nakita kong gano ako kaimportante sa magulang ko. Doon din ako nang aral nang elementarya mula grade 1 hangang grade 6. Nang grade 6 na ako nag hahanda na ako sa buhay high school  at marami na din akong nalaman sa mundo na para pag dating ko sa high school ay hindi na ako mahirapan  mag  aral.

Nang dumating ako sa huling taon ko sa dizon high naunawaan ko kung gaano kahalagang makagraduate para makatulong sa pamilya.
Dizon high school dito ako pumasok ngaun high school at nag aral. Dito sa paaralang ito natuto ako nang napakaraming bagay at natuto sa buhay. 1st year ako nang natuto ako mag computer at gumaling sa kung anu-anung mga kalokohan din sa computer. Nang mag simula ang kalbaryo ko sa pag aaral noon ai nung muntik na akong mahulog sa aking pag aaral at hindi makapasa dahil sa hindi ko pag pasok noon sa aking isang subject.
2nd year ay masayang ala-ala din sakin dahil madami din akung naranasang magaganda at hindi magaganda. Simula palang noon ay matataray ang tingin ko sa mga guro ko pero nang mag tagal naman ay nakasundo ku naman silang lahat. Dito sa year kuna to kase dito kame nag florante at laura. Gumanap ako dito bilang isang mang aawit. Dun kulang nalaman na hindi pala madaling kumanta kase mahirap pala ito kung hindi ka sanay at talagang hindi ka nakanta. Gumanap namang ang mga kaklase ko bilang main character at mang bibigkas noon, napakasaya noon at natuto kaming gumanap bilang tunay na bida at kontrabida.

Official Badge Of 4-I

4th year ako ang aking section ay 4-I mahalaga ang section kong ito sa aking talambuhay dahil hindi ako makakatungtong nang 4th year kung wala ito. Sa 4-I Masaya at magulo. Masaya sa section na ito kapag may activities tulad nang mga cheerdance,fildemo ni sir victorio at iba pa.
Nung cheerdance Masaya dahil nag kakameron kami mga mag kakalase nang bonding. At lahat nang mga kaklase ay nakikioperate. Nung araw nang cheerdance nag kameron kami nang katuwaan para maging Masaya an gaming sayaw kahit na hindi kame magagaling ay gumawa kame nang paraan para maging katuwatuwa ang sayaw namin. At natuwa naman halos lahat sa araw na un dahil sa pakulo namin. Yan ang hinding hindi ko malilimuta sa 4-I.

Drumset my favorite

Ang drumset ay ang aking hilig na instrument sa lahat. Natuto akong tumugtog nung ako ay 2nd year high school palamang hindi ko akalain na ito ay magiging hilig kong gawin sa buhay. Dahil noon nga akoy nahumaling sa computer games. Natuto aq tumugtog dahil sa impluwensya na din nang mga barkada. At yun natuto naman ako. Ngaun sinusoportahan ako nang aking mga magulang sa pag tugtog ko. At Masaya naman ako at naiintindihan nila ang aking hilig…

Ang aking Crush

Si nescy corvera ay ang first crush ko nung grade 6 ako siya ay masayahing tao. Siya ay nagging crush ko kase maganda siya at mabait .nasa states na siya ngaun at sa face book nalang kame nag kakausap ngaun. . .

Ang aking mahal na si Lyslie ann Catigla

Si lyslie ann cagitla siya ay nakilala ko sa dizon high siya din ang unang babae minahal ko at ngaun 4th year naging kame halos matagal din kame at napamahal na ko sakanya nang sobra. Siya ang pinili ko sa lahat nang babae kase nasakanya ang lahat nang gusto kung ugali na hindi ko makita sa napakaraming babae sa ngayon… ngunit nakipag hiwalay siya sa akin dahil sa hindi pag kakaunawaan namin noon…malaking pasasalamat ko sa kanya kase natuto na ako sa kanya at hindi na mauulet kung anuh mang kasalanan nagawa ko sakanya noon…hindi na man niya ako matangap muli pero ayos na sakin yun kasi ako naman may kasalanan…yan ang buhay pag ibig ko…

Si Jerome reyes ang bestfriend ko sa dizon high. Mag kaklase na kami mula nung 3rd year pa lamang nung 3rd year hindi ko pa siya masyado kinakausap dahil akala ko kapag mas matanda sakin ay masama ang mapupulot kung ugali sa kanya. Pero nung makilala ko siya nang husto ay nitong 4th  year  mag bestfriend na kami mag kasama kami sa kalokohan ay sa saya. Nang makilalaniya ang mag papasaya sa kanya na c april ay minsan na lng kame ngaun mag kita…
Si ariane,may ann,april, at Jerome ang mga mabubuting barkada na kilala ko sa buhay ko ngaun sila ung mga maalahanin. Palage silang Masaya pero minsan malungkot din. Sila ay nursing students sa LC nakilala ko sila sa computer shop din. Dahil sila ay mahihiling din sa IDATE din noon.kahit na hindi kame na nag kikita kita ngaun ay mahalaga sila saken dahil sila ang mabubuting kaibigan na dumating sa buhay ko ngaun.. .AT ITO PO ANG AKING TALAMBUHAY....

Talambuhay ni Rubelyn Alcantara

Noong bata pa ako!!!
     Noong bata pa lamang ako sabi nang aking mga magulang ay sobra ko daw ligalig.Iyak daw ako ng iyak at ang sabi pa nila,ay mas sakitin daw ako noong dumating na ang aking kaarawan noong ika-7 ng disyembre 1992.Ipinaghanda ako ng aking mga magulang ng maraming handa sapagkat unang taon ko ito.
     Tuwang tuwa ang aking mga magulang kasi isa daw akong makulit at masayahing bata,ako ay malambing din sa mga kapatid ko at iba pang mga kamag anak.Habang lumilipas ang panahon ay nagiging kamuka daw ako ng aking lola.Ako ay sobrang daldal noon.Sa paglipas ng taon ay napansin ng aking magulang na magaling daw akong kumanta at sumayaw.Sa edad na 5 taon ay mahilig na akong magbasa at magsulat.
      Gusto ko na din pumasok sa paaralan at ng dumating na ang taon ng pasukan.Sa pagpasok ko sa kinder,tuwang tuwa ako sapagkat gustong gusto ku nang maranasan ang buhay ng pagiging istudyante,ako ay inihatid ng aking ina sa paaralan at sinusundo din pag awasan na.Masaya ang aking nararamdaman sapagkat nagkakaroon ako dun ng maraming kaibigan.
      Habang tumatagal ang pagpasok sa kinder ay napapansin ng aking mga guro at magulang na humuhusay na ko sa mga aralin namin.Mas lalo akong naging masaya pagsapit ng aking pagtatapos ng kinder.Pero nalaman ko nalang na may sabit pala ako dito.
     Kaya nalaman ko na mas lalo ko pa palang dapat pagsumikapan ang aking pag aaral.Inihanda ko na ang aking sarili sa pagtungtong ko ng elementarya,sa unang baytang ko sa elementarya ay lagi parin akong hinahatid ng aking ina sa pagpasok dahil ayaw ko kasing iniiwanan ako ng aking ina dahil pag umalis siya ay umiiyak ako.Pero isang araw ay hindi ko na naipagpatuloy ang aking pag aaral siguro dahil na rin yun sa lagi kong pagf iyak sa eskwelahan.
       Dalawang taon din ako nung tumigil sa pag aaral,pero nung pagpasok kong muli ay hindi na muli akong nagpapahatid sa aking ina kahit sa pagkain ay hindi na ko pumapayag na ihatid nya ako kasi napag alaman ko na nun na kaya ko naman palang mag isa.
       At ngayung nasa ikalawang antas na ko ng elementarya,mas lumawak ang aking kaalaman,dito din ako natutong makipag text sa cellphone,dito ako nagkaroon ng mga kaibigan,pero dahil din sa cellphone una akong nagkaroon ng paghanga sa isang tao na kahit na ako ay isang babae ay pumayag siyang makipagkaibigan sakin.
       Marami na akong nakilala at nakarelasyon,minahal ko silang lahat at ginawa ko narin ang best ko para magtagal kami pero taliwas ang lahat na yun sa mga nang yari sakin.Para kasing sa isang iglap lang ay nawala silang lahat sakin.Dahil sa hindi pa gaanong matured ang isip ko noong mga panahon na yun ay hindi ko pa nararamdaman kung paano ang masaktan.
       Hanggang sa makilala ko ang isang babae na nagpatibok sa aking puso at dito ko lang naramdaman ang maging masaya,tapat at kung paanong magmahal ng totoo.
JS namin nung 3rd year
       Tinutulungan niya ako sa aking gawain sa paaralan tulad ng takdang aralin at proyekto.Nasa tabi ko din siya sa oras na may mga problema ako,sa kabila ng lahat ng aking ginawang pagpapasakit at pag papa asaay andyan parin siya at hindi sumusuko para sa akin,at dahil din sa kanya nagkaroon ako ng inspirasyon upang lalo ko pang pagsikapan at pagbutihin ang aking pag aaral.Hindi ako lumiliban sa klase,lagi akong sumasali sa activity namin sa school.
        Marami din akong kaibigan,lagi ko silang kasama,ngayung nsa 3rd year nako ay sumama ako sa js namin.Ginanap ito sa central gym nung ika-13 ng pebrero.
        Noong gabing yun ay excited at masaya akong umalis ng aming bahay hanggang sa nakarating ako sa pag gaganapan ng aming js,at nang papasok na ko ay bigla kong naalala na nalimutan ko pala sa amin ang aking ticket kung kayat hindi kaagad ako nakapasok.Hanggang sa napagalitan pa ko ng aking ina dahil naiwan ko ang aking ticket.
        Sa kabila ng lahat ng nangyari sakin ay nasuklian naman ng kasiyahan ang kalungkutan ko.Masaya ako kasama ang aking mga kaklase,kahit na inaantok na ko ay pilit ko pa ding iminumulat ang aking mga mata dahil sa sobra akong nag eenjoy sa bawat pangyayaring nasisilayan ko.
        Sa paglipas ng oras,hindi ko na namalayan na matatapos na pala ang aming kasiyahang ginaganap.Feeling ko parang panaginip lang ang nangyari,akahit na bitin ako ay hindi na masama kasi kahit papaano ang gabing yun ang nagpasaya sakin.
        Noong pauwi na ako ay sumakay ako ng jeep kasabay ang aking kaklase,hindi ko na napansin na doble pala ang bayad ko sa drayber dahil sa sobrang kaantukan.Pagbaba ko ng jeep saka ko lang binilang ang aking pera.
nung kami ay nag fieldtrip
picture taking sa aming bahay
        At ngayung 4th year nako ay lalo ko pang pinag sikapan ang aking pag aaral.kasama ng aking mga barkada.Masaya ako ngayung 4th year kasi nalalapit na ang akin pagtatapos,kahit na marami kaming requirements ay akin pa ding pinagsisikapang matapos ang lahat ng ito,dahil na din sa kagustuhan kongmakaakyat ng entablado at para makuha ko ang aking diploma na siya lamang ang maiaalay ko sa aking mga magulang bilang sukli sa kanilang pagsusumikapupang ako ay mapagtapos.
Picture taking agian ahehehe
        Binabalak ko ding kunin ang ninanais kong kurso sa kulehiyo.At ngayung hindi pa sumasapit ang araw na aking pagtatapos ay nilulubos ko na ang kasiyahan ngayung buhay highschool ako.

Miyerkules, Pebrero 23, 2011

Talambuhay Ni Luisito Calabia

Ang Buhay Ng Isang Luisito Calabia
Ako bilang isang proud na dizonians


Ako si Luisito R. Calabia isang makulit at mabait. Isinilang ako nung November 29, 1990 sa lung sod ng San Pablo tanghaling tapat daw kaya daw hindi ko naman kasi tanda eh at ang sabe nila nung bata pa ako ang puti puti ko daw at ito pa ang sabi nila na nakakatampo sana daw hindi daw sana ako lumaki kasi sakit lang ako ng ulo nila. Oo nga pala 4 kaming mag kakapatid ako ang bunso.

Eto na natatandaan ko 4-5 years old ako sinasama na ako ng aking ina sa kanyang trabaho at kaya ako isinasama kasi walang magbabantay sakin sa bahay kasi meron din trabaho ang aking ama . Kaya yun sinasama ako ni inay sa central school duon sya nagtatrabaho sa district office. Habang napasok ang kapatid nuon.

Nag simula na akong pag aralin nuon ng aking mga magulang. Alam nyo ba kung saan ako pinapasok ng aking mga magulangduon sa ilalim ng grandstand sa day care center duon para daw malapit sa pinagtatrabahuhan ng aking ina. Eto ang nakakahiyang sabihin tuwing ihahatid ako ng aking ina sa umaga eh iiyak ako sa tuwi na lang ako iiwan duon sa classroom at sasabihin ko naman inay sasama ako ayokong pumasok. Pero sasabihin ni mama beltran tahan na lui mag sisimula na tayong mag klase at ako naman ay tatahan na. Hanggang sa matapos ang aking pagpasok sa day-care sa liceo pa kami gumaraduate.

Pasukan na ulit at sa central naman ako papasok para malapit ulit kay inay at kay ninang Elsa Escondo pa ako ipinasok ng aking ina para daw…. Para daw ewan kung bakit dun kay ninang pero pag nasa classroom kami hindi ninang ang tawag hehehehehe. At may pagkamasungit pala ang aking ninang sa tuwing hapon pag hindi tapos sa sinusulat hindi ka papauwiin dapat tapusin mo ang lecture para makauwi ka eh dati ang natitira ang aking kuya Alvin kasi nga huli lagi natatapos.. Hanggang sa naging grade 2 na ako.
Eto na at grade 2 na ako kay mama abayari naman. Uhm mabait naman s imam pero singgahen ata pag minsan kasi masungit.. Peace mam.

Grade 3 na ako kay mam gamaro naman ako napapunta maganda at dalaga pa so mam nuon sabi ko nga dati bagay sila ng kuya ko haha. Hanggang sa nakulet na akoat ewan ko ba kung crush na yung nararamdaman ko nuon hehe advance noh. Pero aral aral hanggang sa naging grade 4 na ako.

Grade 4 na nga simula ng mag ballpen at kay mam federizo na ako napapunta at sobrang bait n imam. Hanggang minsan napaaway na kasi makulit na nga at asar. Pag napapagilitan si inay at napapahiya pero tuloy pa din ako. Pero nag grade 5 naman ako.

Pasukan nanaman pero grade 5 na ako kay sir escondo na akala ko ay bading na mali pala aking akala na nakapag-asawa pa. dumating ung tym na nag karoon ako ng DENGUE at ilang weeks akong hindi nakapasok nahospital kasi ako pero salamat kay lord at di niya ako kinuha ng maaga tnx lord. Hanggang nakapasa na ako ulit. Grade 6 na ako sa pasukan yes graduating.

Grade 6 ako kay mam de torres lord ang taray nito namamalo at nanghuhubo ito pero sa awa ng diyos di ako nahubuan napalo lang sa palad ouch!!!! Graduation day iyakan ang mga girls kong classmates habang nakanta ng I will be here ni garry v. nakapag handa naman kami kahit kaunti. Yes First year na ako sa pasukan…….
Eto na First day of school gusto kong umiyak kasi kala ko sa provate ako papasukin ng aking ina. Pero sa public pala pero na appreciate ko ok naman pala kahit sa public kasi yun ngang iba hindi nakakapag aral ehh ako pa kaya yun awa ng diyos ang bait ng adviser ko parehas naming first tym sa school ng Annex 5.
2nd year ako at si Mrs. Bidula ang aking adviser hmmmmm… mejo masungit ehh.. Hanggang sa naging Dizon High na ang dating Annex 5. Sa Kasamaang palad napatigil ako.. Kasi Family prob.
Hanggang pumasok uli ako at nakapasa na.

3rd year na ako umulit pasok pasok hanggang sa napatigil ulit ako dahil sa isang family prob nanaman.
Pasukan na ulit enroll ako hanggang nag ka girlfriend ako sa School syempre pa humble ng kaunti at pasikat.. At napasali ng nga ako sa Fraternity hanggang sa parang tinatamad na akong pumasok syempre napapabarkada na ehh hanggang sa malaman na ng aking mhga kapatid at magulang sa awa ng diyos natanggap nila na nakasali nga ako sa isang Fraternity. Hanggang sa dumating ang time na na istroke ang aking ina ko noong sept.2 2008.Hanggang Oct. 2 2008 nakalabas nga ang aking ina pero parang iba na ang kinikilos ng aking ina hanggang Oct 19 2008 sa hindi inaasahan na istroke uli ang aking ina hanggang sa hindi na siya nakabangon at makausap at Nov 1 2008 sama sama kami sa bahay eh kinabukasan Nov 2 2008 ng gabi 8:00 pm kinuha na ni lord ang aking ina nakakalungkot man pero kailangan tanggapin tapos Nov 29, 2008 birthday ko at unang birthday ko na wala ang aking ina ang lungkot ko talaga ng araw na iyon. At Dec 25, 2008 una naming pasko na wala ang aking ina at un na ang pinakamalungkot naming pasko at bagong taon.

2009 school day pasok ulit ako pasok pasok!! Hanggang sa nakilala ko si kenika valerio hanggang sa nahulog ang loob ko sa kanya at naging kame naman.Pero parang di kami sa isat isa talagang baka makahanap kami ng para samin talaga. Hanggang sa nakapasa kami ng 3rd year at sa pasukan 4th year na kami yehey bakasyon na.

Bakasyon nanaman umpisa ng liga sa amin kasali kami at mga barakda ko at ang saya saya naming pag magkakalaro kami at sumali pa kami sa liga ng San Gregorio at himala hindi kami natalo at kami ang nag champion at hindi inaasahan naging metical 5 ako at nagkaroon pa kami ng medal. Yahoo!!! Yehey !!! Champion kami!!!!
Ang aking inspirasyon
Fieldtrip!!!!


Kalokohan namin....
Pasukan nanaman parang tinatamad pa ako pumasok kasi nasanay ako sa bakasyon. Pero kaibigan pumasok kasi Graduating ehh. Sa aking pag pasok madami pa akong nakilalang tunay na kaibigan at sila ang aking mga kasama sa araw araw at pag uwian na sabay sabay kami. Hanggang sa may pumasok sa buhay ko at siya ang naging inspirasyon ko sa araw araw.
ang aking tropa ang "TROPANG BOOGIE"


Sana magtuloy tuloy na ang masayang oras at araw ko habang buhay pa ako at sana din matupad ang aking mga pangarap panu yan hanggang ditto na lang kasi di ko naman paede ikwento ay di pa pa nangyayari sa aking buhay ingatz palagi keep smile every day 

Martes, Pebrero 22, 2011

Talambuhay Ni Janelle Larga

It's me
        Sa mga nakakabasa ng aking KWENTO, nais ko muna ipakilala ang aking sarili. Ako si Janelle Damalerio Larga, isang masayahin at palabirong tao, pero maraming nagsasabing bangisen raw ako at masungit. Upang makilala  nyo ko nang lubusan, nais ko ibahagi ang kwento ng aking buhay..

Ika-8 ng Agosto ako ipinanganak ng ako ng aking mahal na sa Jose Fabella Hospital sa my Central Market sa Manila. Madaling araw iyon at iyon ang unang pagkakataong nasilayan ko ang mundo. Una akong anak ng aking ama't ina, unang minahal at lahatng kanilang atensyon ay nasa akin. Masasabi ko na ako na ang pinaka masuwerteng nilalangsa mundo noong panahong iyon, at kahit naman hanggang ngayon..

     Mag-iisang buwan ako noong ako'y  bininyagan sa simbahan ng Quiapo, Maynila, naalala ko nung kinukwento sa akin ni Mama na marami daw silang inimbita ni Papa upang magninong at magninang sa aking binyag. Pero dalawa lang sa kanila ang nakita ko nang lumaki ako sa edad kong ito. Ang iba ko kasing mga ninong at ninang ay nasa malalayong lugar na. Sa Maynila pa kami dati nakatira. Malapit lamang kami sa may paaralan ng University of Sto.Tomas, halos doon na ako ng nag-isang taong gulang hanggang sa lumipat na kami dito sa San Pablo, sa lugar ng aking ama, sa Brgy. Sta Filomena, dito na kami namalagi at dito na rin nagsimula lahat ng mga kabanata sa buhay ko habang ako ay lumalaki na.

      Sa tinitirahan naming bahay ako natutong gumapang at  magsalita. Sabi ni Mama noong bata pa raw ako ay kalbo pa ako na napakataba, ipinaglihi pa nga daw nya ako sa buko kaya mapapansin sa akin ang pagiging maputi ko. Sobrang kulit at madaldal pa ako noon,kahit hanggang ngayon naman!, kaya naman raw hindi ko maiwasan ang madisgrasya, nauuntog kung saan-saan, nadadapa at kung anu-ano pang kapalpakan ang nagagawa ko, wal pa naman akong muwang noon kaya wala na lang siguro akong ginawa kundi umiyak, matulog at humingi ng gatas kay Mama.

Habang lumalaki na ako, natatandaan ko na kahit paano ang mga mukha ng aking mga m mahal sa buhay, mahilig kasi nila akong laruin, lagi ko pa nga raw hanap noon si nanay eh! Napakalapit ko talaga sa kanya.
Ang aking pamilya !!!!

        Heto na! At magsisimula na akong pumasok sa paaralan. Apat na taong gulang ako noong magsimula na akong pumasok ng nursery sa Angel's Kiddie Learning Center sa aming barangay. Lagi pa nga akong hatid ng nanay ko papuntang school, kasi natatakot pa ako noon, hanggang sa nagtagal naging masaya naman ang bawat araw ko ng pagpasok ko. Nagkaroon ako ng maraming kalaro at kakilala na hanggang ngayon ay natatandaan ko pa. Naalala ko pa noon lagi ako nilalaban sa Quiz bee, Spelling bee at mga iba pang contest. Hanggang sa nag Junior at Prep naging second honor pa ako sa amin noong mga panahong iyon.

       Masaya at malaya akong naglalaro sa amin, noong limang taong gulang ako. Lagi kong kalaro ang mga pinsan ko sa likod-bahay, naghahabulan, nagbabahay-bahayan at kung anu-ano maari naming laruin.Lagi pa nga  akong napapagalitan ni nanay kasi lagi kong hakot ang mga laruan ko sa labas at ipagpapahanga ko sa aking mga pinsan. Bukod sa laruan naggagawa din kami ng mga bula na gawa sa dinikdik na gumamela, iniihaw pa nga namin yung mga sili at kunwari ay aming pagkain at mga pinaghalong lupa. Kahit katanghaliang tapat ay hapit pa rin ako sa paglalaro, halos uuwi na lang ako sa amin pag tinawag na ako ni mama pag kakain na at maliligo na ko at pagkatapos noon ay tutulog na ako. Pag hapon naman minsan ay ayaw  na akong palabasin kasi malamok na daw at baka manuno pati ako. Tanda ko pa noon nakatingin lang ako noon sa bintana namin pinapanuod ko ang aking mga pinsan na naglalaro sa labas ng aming bahay at tinatawag pa nila ako na lumabas ako at sumali sa kanila. Sa pagkaiingit ko sa kanila, pinipilit ko pa ang nanay ko na payagan akong lumabas, e ayaw namang pumayag kaya tuloy napapalo ako. Mahilig din kaming pumunta sa mga kakahuyan at nanghuhuli kami ng mga pinsan ko ng gagamba, nagtatakutan pa nga kami na may aswang doon at magsisismula na kaming magtakbuhan. Dahil doon napigtal napigtal pa yung aking tsinelas ko at muntik pang maiwan. Iyak ng iyak ako noon dahil sa sobrang takot. Tinatawag ko noon si nanay!!!! Hahahahah!!!

       Pag naalala ko iyon ngayon, natatawa nalang ako sa mga pinag-gagagawa ko noong bata pa ako. Naiisip ko rin pag minsan ang sarap bumalik sa pagkabata, walang pinoproblema, wala kang kailangang gawin kung hindi maglaro ng maglaro at kumain!

       Pasukan na naman ulit! Mag-aaral na ulit ako bilang Grade I sa Sta. Filomena Elem. Sch. Maaga akong nag Grade I sa edad na anim na taong gulang. Naging advance kasi ako kaya nakatuntong agad ako sa Grade I. Hinahatid pa rin ako ni nanay, syempre masaya parin, kasi marami na naman akong bagong nakilala. Nagpatuloy parin ako sa pagpasok hanggang sa unti-unti kong naabot ang Grade Six kasama parin ang mga kaklase ko, nagkaroon ako ng mga matatalik na kaibigan. Minsan hindi rin maiiwasan ang tampuhan sa isat-isa at pagkakaroon ng alitan. Pero sa bandang huli nagkakabati rin agad kami. Naisip ko rin na mahalaga rin ang magpakumbaba at magpatawad sa mga bagay-bagay at umintindi sa nararamdaman ng iba.

     At sa wakas!! Narating ko na ang finish line!! Natapos ko na ang elementarya kasama ang mga taong nakasama ko sa loob ng anim na taong walang humpay ang pag-aaral, asaran at kulitan. Sobra ang tuwa ko nang makagraduate ako at kahit paano ay may naibigay akong karangalan sa aking mga magulang. Syempre mawawala ba naman ang lungkot sa aming lahat na mgakakaklase, magkakahiwa-hiwalay na kami. Pero ganun talaga, kasama kasi iyong moment na iyon sa script ng aking kwento..

       Nagdaan ang bakasyon, pahinga na ulit, sarap sa pakiramdam kasi wala ng klase. Pahiga-higa nalang ako, punta sa bahay ng aking mga pinsan at kumain nalang palagi. Pero habang lumilipas ang mga araw ay palapit na ng palapit ang pasukan sa highschool. Medyo kinakabahan ako kasi panibagong mundo ulit ang papasukin ko. Hay aral na naman!!! Hanggang sa heto na at nakapag enroll ako bilang 1st year highschool sa MSC Institute of Technology. Laking tuwa ko kasi nagkaroon ako ng scholar doon na dalawang taon kong naalagaan at sa private ako nakapasok..  Naaalala ko pa nga noon ay kabado pa ako noong unang araw ng klase namin, hindi rin nagtagal nagkaroon ulit ako ng panibagong mga kaibigan na masasabi kong sila na talaga ang mga tunay at nag-iisang kaibigan pra sa akin.

       Lahat ng mga bagay ay may limitasyon. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay laging swerte ka at walang mga dapat kang ipag-alinlangan. Minsan dumating sa buhay ko ang isang balakid na nagpabago sa buhay ko. Hindi sa sinisisi ko ang mga kaibigan ko pero alam kong nasasa-akin rin iyon. Nadala ako sa pahamak, natutong magrebelde at naging manhid sa mahahalagang bagay. Malaking pagkakamali ko na napabayaan ko ang aking pag-aaral, nawalan ako ng scholar at naging palasagot ako sa aking mga magulang. Lagi akong ginagabi sa pag-uwi at natuto akong magsinungaling. Pag ako ay may problema ay dinadaan ko sa pag-iinom. Hanggang sa dumating ang araw na kailangan ko na talagang magpaalam sa aking paaralan at mga kaklase dahil sa isang komplikadong pangyayari.
Dati kong classmates bago ako lumipat ng Dizon High

      Dumating ang araw na lumipat ako sa paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Mem. Nat. Highschool. Dahil sa nangyaring iyon nagsisisi ako at napagisip-isip ko na kung pwede ko lang ibalik ang lahat-lahat ng nangyari di sana naging maayos parin ang lahat para sa akin. Ngayong nasa Dizon ako hirap akong makapag-adjust dahil sa wala pa akong masyadong kakilala. Hindi din nagtagal madami na din akong kaibigan. Noon ko lang napagisip-isip na masarap pala mag-aral."Sayang at ngayon ko lang naisip". Pero hindi ibig sabihin noon ay suko na agad ako, nagsisimula pa lang ulit ako. Dahil doon magiging inspirasyon sa akin ang mga naging kamalian ko. Isang malaking leksyon para sa akin ito at magsisimula na ulit ako ng panibagong adventure sa aking buhay..

O sya sya!! masyado ng mahaba ang naibahagi ko sa inyo.. sana natuwa kayo sa aking mahabang kwento at salamat!!!!!!!!!!
Js Promnite Sa Dizon High
Waaaaahh Stolen shot ahahaha

Lunes, Pebrero 21, 2011

Talambuhay Ni Frank Campos Jr.


Moments That Ive Never Forget
By:Boy Iyakin!! :'(
Nung ako ay bagong silang pa lamang
        Ako si Frank R. Campos Jr na isinilang sa Colago Ave. San Pablo City Laguna lumaki ako sa piling ng aking pinaka mamahal na lola dahil ang aking ina ay nag tatrabaho sa Abroad at aking ama ay may iba ng pamilya hindi ko sya nksama sa buong buhay ko. Lumaki aq sa Brgy. San Juan at npatira kami duon ng ng 6 na taon duon ako nag kaisip duon din sa lugar nay un ako natutong makisalamuha sa mga tao yung makipaglaro sa mga bata kahit ayw ng lola ko dahil iniingatn nya ako at baka mapano ako. Duon din sa lugar na yun tumigas ang ulo ko dahil minsan hindi ako nakikinig sa aking lola kahit ako ay ginugulpi niya ay wala akong tigil maglakwatsya sa labas n gaming bahay.
Fieldtrip nuong grade 1 ng Liceo De San pablo
                Isang araw nung ako ay grade 3 ay biglaan nawalan ng pasok o half day hindi ko alam kung bakit umuwi ako mag isa sa amin at kami ng lola ko ay nagkasalisi kasama ng lola ko ang ate kong pinsan syempre nag alala sila dahil pag dating nila sa school wala na ako at pag kauwi nila nakita ako ng lola ko at nkatanggap lang naman ako ng garuti mula sa kanya halos mag makaawa ako sa aking ate dahil alam ko na ang mangyayari sakin pero pag katapos ako mapalo ng lola ko nakita ko ung mali ko at alam ko din ang naging dahilan ng lola ko siya ay nag alala lang sakin nuon kaya kinausap ko ang sarili ko na dapat di ko gawin yun at ayun ang nagging moral lesson sa akin. Nung bata ako,ako yung taong lumaki sa gulpi ng lola ko at naransan ko din ang isilid sa sako hirap na hirap ako nun pero wala naman akong magawa kung hindi umiyak na lng ng umiyak kaya ako isinilid ng lola ko dahil gusto kong mangapit bahay hindi nya ako pinayagan nagdabog ako sa harap niya at yun pinagtulungan ako ng lola ko at ate para lng maisilid sa sako.
Christmas day 2000 in Brgy. San Juan S.P.C
                Tuwing mag papasko ang aming  buong pamilya ay nagkakasama at lagi kong hinahantay ang mga papasko sakin ng akong mga tiyo at tiya. Masaya kami lalo na at nakikita ko ang mga pinsan kong malalayo ang tirahan kahit minsan wala ang aking ina pag pasko, pero Masaya pa din dahil nakukumpleto kami at nakikita kong Masaya ang aking lola.
                Bakasyon ng grade 5 ako nag pa circumsize or “tuli” hirap na hirap ako dahil hindi ko nagawa o magawa yung ginagwa ko dati tulad ng paglalaro ng basketball at ang mag gala. Sa panahon na iyon dun ko naranasan ang parang itorture dahil hirap na nga ako ehh lagi pa akong hinaharot ng pinsan ko at hindi maiwasan ang madali nya halos mapasigaw ang sa hapdi at sakit. Kaya sabi ko sa kanaya”Wag kang magpapakita sakin at pag iakw tinulian gaganti ako hehehehe “
Class Picture Of grade 5: Ako ung kalbo
                Sa grade 5 ko din natutunan yung sabihin na natin na yung mainlove ng sobra sobra yung bang halos hindi kumpleto araw mo pag hindi sya pumapsok t naranasan ko din ang umiyak dahil bukod sa na mababaw ang luha ko eh iyakin din ako at maramadamin. Alaga nila akong asarin na iyakin at lola’s boy dahil madalas ako mag sumbong nuon, at lagi ako umiiyak dahil pag nakikita ko ung kaklase ko na crush ko na may kasama o kausap na iba eh nag seselos ako.
                Dala-dala ko hanggang grade 6 ung crush na yun hanggang malaman ng kanyang ina na crush ko anak nya at sinabing maaga pa at dadating daw kami sa tamang panahon. Sa panahon din na iyon natutunan ko ang mapasama sa gulo at away dahil da mga kaklase ko at dun ko din naranasan ang umuwi ng  gabi dahil a parusang natanggap ko mula sa guro ko. Natutunan ko nun ang sumunod at wag maging pasayaw dahil maaring sa katigasan ng ulo ko ako mapahamak.
                March ng year 2007 ako naka graduate ng Elemantarya. At nakapiling ko din sa taon na yun ang aking  ina Masaya ako nun dahil nakasama ko ang ina ko at nagkaroon kami ng pagkakataon maging Masaya. Sa taon na un nakuha ko ang una kong cellphone hindi sya kagandahan pero meaningful sakin dahil sa madame ako naranasan ko at dahil sa cellphone na yun dun ako una nagkaroon ng relasyon ngunit patago lamang dahil kabilin bilinan ng lola ko na huwag muna ako mag relasyon ngunit sinuway ko sya .
                Sa San Pablo City National High School ako nag first year highschool . Madaming magandang bagay akong natutunan nuon syempre hindi mawawalan ng kalokohan tulad ng pag ka-cutting at mag computer. Hindi ko din maitatanggi na nagkaroon ako ng girlfriend sa school na yun maraming memories ako sa school nay un lalo na sa mga kaklase ko hindi ko sila makakalimutan ung saya at samahan naming doon.
                2nd year ako ng lumipat ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School o mas kilala sa “Dizon High” ditto ako lumipat dahil malapit lamang sa amin bahay. Unang araw ko sa school na yun wla akong kilala lagi akong mag isa pero hindi rin naman naglaon ay nagkaroon ako ng mga kaibigan nadun yung kulitan. Sa taong din nay un ako hindi msyado ng computer kasi halos lahat ng mga kaklase ko ay hindi mahilig mag computer kaya masasabi ko maganda ang naidulot ng paigigng kaklase ko sila.
(JS) Class Picture 3rd year
                3rd year ako at sa Dizon High pa din ako nag-aral dito ulit ako naadik mag computer at dito din sa taon na ito ako nagkaroon ng mga girlfriends pero hindi naman tumatagal kaya siguro yung sakit sa computer ko binuhos pero simula nung ako ay lumipat sa dizon may isang babae nkapag patibok ng puso pero hindi ko siya malipitan. 3rd year din ako nag karoon ng hulog at yun ay math Sinummer  ko ito at naipasa isa lang ang natutunan ko nuon ay yun ay pumasok ng maaga J
Official 4-I Badge
Me And My Love one <3
                Yes!!!! 4th year na ako nandito na yung “turning point” ika nga dito dapat mag sipag at lalo ako mag pursige dahil mkakatapos na ako at mayroon na ako mai pagmamalaki pero syempre may lungkot. Dahil hindi ko na kasama yung mga barkada ko dati. Iba’t-Ibang tao ang nagging kaklase o iba’t-ibang ugali nila pero Masaya at lagging maasahan sa lahat ng oras at masasabi kong proud ako na ako ay isang 4-INTERNATIONALS! Dito din sa taon na to nakilala ko ung nakapag patibok ng puso ko yung nung lumipat ako sa dizon yung babaing nakapag patibok ng puso ko siguro hindi na importante to pero Masaya ako at  nagging kame hanggang ngayon. Hindi natin masasabi na kami na nga pero mahal na mahal ko siya. Sana makagraduate ako at pag nangyari yun  sobrang saya ko at lahat ng pinaghirapan ko ay nag bunga.

Salamat sa mga nagbasa 
Frank Campos Jr..